Legal

Terms of Use

Huling update: November 27, 2026

1. Sino kami

Ang Cimelo (ang website na cimelo.app at ang app sa app.cimelo.app) ay pinapatakbo ng Bryan Alemaña Online Educational Consultancy Services (Bryan AI Hub), isang negosyong rehistrado sa DTI at BIR, na may address sa 1830 Sisa St., Barangay 493, Zone 049, Sampaloc, City of Manila, Metro Manila 1015, Philippines. Sa page na ito, "kami" ang tumutukoy sa negosyong ito.

2. Ano ang Cimelo

Ang Cimelo ay video editor na tumatakbo sa browser at nai-install na parang app, sa phone at PC. Sa paggamit ng app o ng website, sumasang-ayon ka sa mga terms na ito.

3. Free at Pro

4. Ang Pro key mo

5. Bayad at refund

Dumadaan ang bayad sa PayMongo. Hindi namin nakikita o iniimbak ang buong card number mo. May 7 araw na refund, buo at walang tanong; basahin ang Refund policy. Kapag gumamit ka ng code ng isang partner, 10% ang discount sa Pro.

6. Ang content mo

Sa'yo ang mga video na ine-edit mo. Ikaw ang responsable na may karapatan ka sa mga file, boses, musika at larawan na ginagamit mo.

7. Tamang paggamit

Huwag gamitin ang Cimelo para gumawa ng content na labag sa batas, o para guluhin, kopyahin o i-reverse engineer ang app.

8. Ang app "as is"

Patuloy naming pinapaganda ang app, pero maaaring may bug o feature na hindi gumana sa lahat ng device. Patakbuhin ang Device Check bago bumili. Hangga't pinapayagan ng batas, hindi kami mananagot sa hindi direktang pinsala, at hindi lalampas sa halagang binayaran mo ang aming pananagutan.

9. Pagbabago sa terms

Maaari naming baguhin ang page na ito. Ilalagay namin ang petsa ng huling update sa itaas.

10. Batas

Batas ng Republika ng Pilipinas ang susundin sa mga terms na ito.

11. Contact

Mag-email sa hello@cimelo.app.