Legal

Refund Policy

Huling update: November 27, 2026

7 araw, buong refund, walang tanong.

1. Sino kami

Ang Cimelo (ang website na cimelo.app at ang app sa app.cimelo.app) ay pinapatakbo ng Bryan Alemaña Online Educational Consultancy Services (Bryan AI Hub), isang negosyong rehistrado sa DTI at BIR, na may address sa 1830 Sisa St., Barangay 493, Zone 049, Sampaloc, City of Manila, Metro Manila 1015, Philippines. Sa page na ito, "kami" ang tumutukoy sa negosyong ito.

2. Sino ang puwedeng mag-refund

Lahat ng bumili ng Cimelo Pro, sa loob ng 7 araw mula sa pagbili. Hindi mo kailangang magbigay ng dahilan.

3. Paano

  1. Mag-email sa hello@cimelo.app mula sa email na ginamit mo sa pagbili.
  2. Ilagay ang reference ng bayad, kung mayroon ka.
  3. Ibabalik namin ang buong halagang binayaran mo sa parehong paraan ng bayad, sa pamamagitan ng PayMongo.

4. Gaano katagal

Sisimulan namin ang refund sa loob ng ilang araw ng trabaho mula sa email mo. Ang oras bago ito pumasok sa account mo ay nakadepende sa bank, card o e-wallet mo.

5. Pagkatapos ng refund

Made-deactivate ang Pro key. Magagamit mo pa rin ang Free version, walang watermark.

6. Pagkalipas ng 7 araw

Wala nang refund pagkalipas ng 7 araw, maliban kung hinihingi ng batas.